<NOSCRIPT><!--<BODY><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=13939349&amp;blogName=Prana...Nanaman%3F&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fpranastar.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fpranastar.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>--></NOSCRIPT> <body bgcolor="#FFFFFF">

BLUE'S CLUES
nanonood ako ng blue's clues kaninang umaga sa nick junior. (may pagkaweird nga eh.. bakit ang aga ng nick junior? sa pagkakaalam ko, tulog pa mga bata kapag bandang 6 AM pa lang.) Yung bagong blue's clues... yung si Joe na yung host at hindi si steve.

na-miss ko bigla si steve. naalala ko nung grade 7 nagtataka kami kung bakit umalis si steve. sabi sa blue's clues, magcocollege na daw sya. ang labo diba? hindi nga nya alam kung ano ang red at yellow, ang circle at square... tapos, COLLEGE?
meron namang mga kumalat na ibang tsismis. naging rockstar daw si steve. nakakatuwa naman. imagine steve... nasa stage.. sumisigaw ng..
"WEE AAAARE LOOKING FOR BLUUUEEEE'SSS CLUEEESSS YEAHHHHH!!!!!!!!"
*hataw sa gitara tapos slide sa stage*
tapos yung isa pang tsismis, drug addict daw kasi si steve. hindi masyadong imposible, kasi mukha naman.
pero sa tingin ko, kaya sya nawala kasi matanda na sya. ang tagal ko na ring nakikita yung lalakeng yun na may kasamang bughaw na aso eh. baka sumasakit na mga tuhod nya.

MODELLING EXPERIENCE
oh hinde. kinakahiya ko ang nangyaring yun. pero ok naman, kasi naranasan kong magmukang singkit. minake-upan kasi ako ni mama. pero ayoko talagang magmodel nung araw na yun, pano ba naman... SUNOG NA SUNOG AKO. kasi naman, may race chuva kami kahapon. ayayayyy. pero impernes, gwapo si angel nun! hahaha. APIR TAYO ANGEL! (para sa hindi nakakaalam, si angel yung partner ko. waffuu!)
PINOY DANCE
Masaya naman, kahit super cinram. isang linggo lang namin pinaghandaan yan eh. hindi ko inakalang may tatayo sa audience kapag inanyayahan silang tumayo. kasi naman, yung mga lalake namin yung nag-ayang sumayaw. eh sabi nila tapunan daw ng bading ang sampa (meaning panay bading section namin). ayun. tapos super impromptu yung last part. kaya hindi na talaga sabay-sabay. in fairness, naka-abot kami ng 4th place ha. nakakaawa nga yung camia eh, talagang humagulgol nung natalo sila. kasi naman, nagka-ipit-ipit na ang mga paa nila sa bilis ng tinikling nila at nagpachoreo pa sila tapos biglang ganun. hayyy. kawawang Camia.
CRUSHLIFE
hahaha. crushlife nanaman. hindi ko na crush yung baboy, kasi naman naaawa ako sa kanya. alam ko namang ayaw nya sakin tapos tinutukso ako sa kanya. alam ko kung sino yung iniirog nya. kasi naman, nagconfess sya ng undying love para dun sa babae... ayun. ^_^

get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! 2:24 PM

SWIMMING.

swimming. ayheytiiiit.

wala akong planong malunod. wala akong planong sumakay ng barko. wala akong planong sumakay ng eroplanong babagsak sa karagatan. tsaka kung bumagsak man yun sa gitna ng Pacific ocean, sa tingin nyo ba makakatulong yun? papahabain mo lang ang pagdurusa mo, sister!!

12 laps. jusko. torture para sa isang tulad ko na kapag lumulubog ang buong katawan sa tubig na kahit kasing baba lang ng 3 feet ay nagwawala na. i lost count sometime between the 5th or 6th lap (I think).
naiirita talaga ako kasi hindi coordinated ang buong katawan ko. yung tipong.. ok. tama na yung paggalaw ng paa ko. tama rin ang kamay ko. yeheyyy. makakahinga na ako ng mamalim! OOPS. NASA ILALIM NGA PALA AKO NG TUBIG. ayun. kaya laging may pumapasok na tubig sa ilong ko. hopeless, pare. tapos minsan, nakakalimutan ko huminga. of all the things to forget, I FORGET TO BREATHE. tapos pag naalala ko, ayun... PANIC MODE NANAMAN.

sa wakas, natapos ko rin yung 12 laps ko. sabi nila natapos ko daw. ewan ko kung natapos ko nga. wala na ako sa tamang pag-iisip nun eh. tapos biglang sabi ni sir Dulieso.. "ok! dun ka naman sa 10 feet! diving!"

!%^#$^%@#$"!#%@$^!#!%^#$^%#$!!!!!!!

ayun. hindi ko na-take. umiyak na ako. grabe. ayoko talaga. imagine, first time kong lumangoy ng ganun... (kung langoy man ang tawag sa ginawa ko. feeling ko muka akong dagang nalulunod.)

kung hindi nyo napansin, TAKOT AKO SA TUBIG. takot akong malunod. takot akong mamatay. kapag nakalubog yung mukha ko at ang nakikita ko lang ay tubig, feeling ko mamamatay na ako.

PERO HINDE. kailangan ma-overcome ko 'to! kakayanin ko talaga!!!!


hayyy. I need to work harder. I need to concentrate more. jusko, ang final grade ko sa Physics 1.75. sa lagay na yun, perfect ko ang perio tapos ang isang long test tsaka 4 lang ang mistakes ko sa quizzes. bakit 1.75? kasi WALANG LABREPORT. paksyetttt na labrep yan. tapos syempre, 2.25 lang ako sa PE. asa pa akong tataas yun. diba nga sabi ko, hindi ako ginawa ng Diyos para sa sports. yung iba, OK na. sa algeb, tanggap ko nang bagsak ako. sa chem, mataas naman ako. kaya ko tooo!!! ^_^

ay, iniiwasan ako ni baboy. hahaha. wala lang. feeling ko ang praning ko. feeling ko alam nya. pero feeling ko rin hindi. feeling ko, ako yung umiiwas kasi baka mahalata nya ako. pero feeling ko......
ah basta! eto lang yun...
feel ko na nilalayuan nya ako kasi feel nya na crush ko sya. tama naman yung feeling nya, pero ang feeling naman nya kung ganun. pero pwede rin na feeling ko lang yun at ako yung umiiwas dahil feeling ko alam nya kahit na baka hindi nya alam. baka nga hindi nya alam na nag-eexist ako eh. wahaha! FEEL MO?

get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! 7:29 PM

Galing sa blog ni Cassandra.

//ANO SSBHIN MO PAG SINABIHAN KA NG GANITO...//

a. hi
~>Washap for you? wahaha. (naalala ko tuloy yung hellur experience ko sa mystery caller ng chem teacher ko. hahaha.)

b. ganda mo ngayon..
~>weh. walang bayad yan ha. kuripot ako.

c. pde enge ng number mo
~>sure... it's eight.. ^_^ hahaha. ayaw mo? pwede rin ang nine! ^_^

d. I love my gf/bf, pero mas mahal kita
~> sure ka ba dyan? haha. sorry ka na lang. ^_^

e. what is the capital of Zimbabwe?
~> wala naman akong dandruff ahhh!!!!

f. mahal mo pa ba sya?
~> sino? wahaha. ^_^

g. wag mo ko iwan please
~> di pwede, pinapauwi na ako ni mama. XD

h. pde tantanan mo na ko?!
~>yuuuck. haha. feeling.

i. hindi kita makakalimutan
~> syempre paaaa!! hindi naman ako ka-limot-limot eh! nyahaha.

j. my parent wants to meet you
~>bakit hinde? haha.

k. ayusin mo nga hair mo
~>weh! INSTANT AYOS ATA TO! hahaha. juklang. ^_^

l. I have big problem
~> sabihin mo sakin para gumaan loob mo. ok lang kung ayaw mo. ^_^

m. I love you more than I love you could say
~>ayjusko. ang kurni nampeka. hahaha.

n. im sick of having you
~>yak, ano ako, ULAM?!

o. maghihintay ako sayo kahit forever
~>nays... ^_^ promise yan ha?

p. kaya mo bang iwan sya para sakin?
~>sino? haha. sama na lang natin, walang kasama eh. XD

q. sorry mas mahal ko sya, but I dont want to lose you as my friend
~> I would prefer friendship, anyway. ^_^

r. sawa na ko sayo
~> weh...!

s. will you marry me?
~>sa kahit saang simbahan, PAKAKASALAN KITA! ahaha.

t. mahal ko parin sya
~>ah tlga? edi magmahalan kayo!

u. bf/gf mo: kami na ng kapatid mo
~> hahahaha!!! BADING!!!!!

v. ang pangit mo
~> weh. kung pangit ako, ano ka? wala ka pa sa ganda ng paa ko! XD

w. crush mo ba ko
~>okei. kapal mode ba tayo today?? oo, crush kita.... ASA! hahaha.

x. thank you pero di kita kailangan
~>aw okay. basta andito lang ako if you need me. ^_^ (yehesss!!!)

y. leave me alone
~>wooo. sorry!

z. r u horny?
~>Horny yurpeys!! XD

hayyy. medyo boring. gusto ko pumasok. gusto ko makakita ng baboy. Oh well. ^_^ may nalaman akong ayokong malaman. hahaha. kaya medyo malungkot ako. kaya eto, hinahyper. wooo. eto lang naman kelangan nyo malaman...
>kelangan ko pumayat. as in mabilis!!!! syet, magmomodel ako tas taba-taba ko? oh hinde.
>adik ako sa hold the button. wuhooo. http://www.holdthebutton.com/index.html
>PASADO AKO SA GEOM. oh yesss. hindi ko inakala!!!
yun lang muna. pinapakain na ako ng dinner eh.

get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! 6:29 PM

exciting ang week na itooo!! wooo!!!

Weekend:
Hindi na ako sanay na walang inaaral. hindi na talaga. nung saturday after ng perio, ang unang pumasok sa isip ko, "nakaayos na ba uniform ko?!" wahh. tapos the whole day, wala akong maisip na gawin. hindi na ako sanay.
hindi na ako sanay na walang inaaral. hindi na ako sanay na walang binabasa. hindi na ako sanay na walang cinacram. hindi na talaga. ang hirap ng ganito. masgusto ko ang busy kesa sa nakatingin lang sa kawalan, naghihintayin na tuklawin ng oras.

Monday:
birthday ko! oh yes. bongga. ang mga natanggap ko..
>pera. syempre, galing sa parents at grandparents.
>tatlong box ng cloud9! wooohooo!!! adik! kaso mga apat na cloud9 lang ang nakain ko. bading.
> staptoy galing kay gepte. oh yes. sakto, kamuka pa ni joel nung araw na yun!
>picture ni baboy! grabehan. pinasasalamatan ko si james sa picture ng baboy ko.
nanlibre kami ni Iya ng KFC, tatlong buckets ata o apat. basta maraming MANOK. tapos nagmagic-sing kami. malufet. ang tataas ng scores kahit pangkanto ang boses.

Tuesday:
postbirthday etches. dahil tunay akong pasaway, nag-absent ako sa Pisay para pumasok sa Quesci. ganito kasi yun, sabi ko kay papa, papasok ako sa Quesci. sabi nya, sige daw. basta hindi ako magsusuot ng uniform nila. (ok lang kasi wala naman kaming gagawin sa Pisay. magchecheck lang ng papers at makikipagtitigan sa teachers.) eh buti na lang nasa mindanao si papa nung araw na yun. pumasok ako sa Quesci. nagklase. naka-uniform.
nung umaga, edi ayan. naghahagilap pa ako ng magpapahiram sakin ng uniform. kasi naman, hindi ko mahanap yung akin. tinapon na ata! alangan namang tanungin ko, baka mahalata. edi nanghiram na lang ako. supposedly, yung blouse, hihiramin ko kay Ana Joy at yung skirt ang problema. edi nagtetext ako ng mga tao. nanghihiram ng skirt. etong si sarah, tagapagligtas ko!!! pinahiram ako. kaso, pagdating ko sa Quesci, si ana joy walang dalang blouse na extra. WAPAK. nung first period naka pisay blouse ako at Quesci skirt. may bow pa yan. HYBRID, pare. so, bumili na lang ako ng blouse. odiba, gumastos pa ako ng 200 pesos para hindi mahalatang hindi ako taga-Quesci.

yung teachers naman.
first subject: Pinoy
teacher: Sir Sangel
reaction: nung una, hindi nya nahalata. naglalakad-lakad pa sya. umiikot-ikot sa classroom. tapos biglang napatingin sya ulit. tinanong ako... "SINO KA?!!" edi ako naman, "Prana po." tapos ayun. tinanong na nya ako kung saang lupalop ako ng mundo galing. tapos ako naman, "uhm, sa Pisay po. dapat Curie ako." nakiklase ako. wala lang, kinopya ko pa pointers for review nila.
2nd subject: AP
teacher: Ms. Capinpin
reaction: Wala. hindi nya nahalata. ang nakakatawa pa nito, ilang beses nya akong nakitang padaandaan sa building. as in ilang beses talaga. napagsabihan pa nga akong wag daw umupo sa tapat ng classroom ng ibang klase. OH YES. tapos, nagrollcall pa sya sa Curie. woohoooo. hindi nya nahalatang hindi nya ako natawag! matanda na kasi. Ang saya talaga.
3rd subject: Geom
teacher: yung mabait na teacher na maganda.
reaction: sa einstein2 naman ako nakiklase. eto medyo walang kwenta. sinabi kasi kagad nila Ge na hindi nila ako kaklase. pero ok na rin, kasi pinagawa niya ako ng project. bongga. pag bumagsak yung partner ko, di ko kasalanan. kasalanan nung teacher yun. belat.
4th subject: Bio
teacher: yung mataray na matandang babae. menopause na ata. matandang dalaga. sobrang taray talaga.
reaction: wala rin. nagquiz pa nga kami eh. tapos, ang pangalan ko, HEIDI *toot!!!* yung *toot!!!* last name ng baboy ko. hindi ko muna sasabihin. ehehe. tapos, bagsak ako sa quiz. oh yesss. ang saya. buti na lang talaga hindi ako taga-quesci. tsaka nakita ko ulit yung nagkalat na sapatos. woohoo. namiss ko rin yun. SOBRA. dati twing english at kailangang tanggalin ang sapatos dahil ayaw ng mga teachers na marumihan yung floor ng room, pinagbababato namin yung mga sapatos. ang sayaaa! tapos syempre hirap na hirap yung mga tao hanapin yung mga sapatos nila. i like seeing people in anguish. mwahahaha.
5th subject: English
teacher: Bading. ang tawag nila, mama. kasi ma'am ma-something. in fairness, nakakatuwa sya.
reaction: "are you in this class?!" "why haven't I seen you before?" wahaha. nakakatuwa. sa edison ako nag-english. masayaaaa! ang bading bading nya!!! tapos katabi ko si Carlo Mangalindan, isa pang BADING! napapaligiran ako ng BADINGGGG!!!!! nakakamiss... onti lang ang bading na tulad ni Carlo. :) tapos may game sila. ako yung BUNOT GIRL. yehesss.
6th subject: Bio Tech (elective)
teacher: Si ms.... bael. muntik ko na makalimutan yung pangalan. haha.
reaction: wala rin. ahaha. hindi nya daw kilala yung mga studyante nya eh. tapos ang ginawa nila yung slide thingy. ano ginawa ko? nagNAILPOLISH. oh yes. yung clear naman. pero wala lang... nung andun kami sa Nat. Sci room, na-miss ko yung einstein-1 days. hayyy.
7th subject: Geom Ulit
teacher: yung babae ulit na maganda
reaction: pinagawa ulit ako ng geom project. yeheyyy. tapos ang partner ko, BADING NANAMAN! si J.Lo! tapos binulungun ako ni Evan, "bilangin mo yung 'so' ni J.Lo" tapos bumalik ako kay J.Lo. sabi ni J.Lo.. "so, so, so, so, so, so....."

yung breaks naman, enjoy rin. kaso, medyo nagtatago ako. hindi nga ako nakakain ng lunch eh. badiiiing. kasi naman, nakita ko si sir semana (homeroom adviser ko last year na terror) nung papunta ako sa canteen. baka mapagalitan. kaya dumaan ako dun sa likod ng building. yeheyyy. eh kaso nung pagpasok ko sa canteen, may nakita akong di kanaisnais. nagtago ako sa folder. kunyari nagbabasa. nagbabasa ng papel na blanko. ayusss. eto ha... for the record.. WALA AKONG EX. hahaha. everrrr. joke lang yung... yun. okeii? isang malaking lokohan! woohooo. wala pa akong nagiging boyfriend. ibaon sa limot ang lahat!

Wednesday:
eco-tour. tsaka yung sa waterplant thing. masaya naman, kaso hindi ko nakasama yung baboy. at natuklasan kong ang swimming ay this quarter na. OH HINDE. hindi ako marunong lumangoy. takot ako sa tubig. takot akong malunod. ayoko pang mamatay. kahit na 5 feet pa ang depth ng tubig. I DON'T LIKE.
ang cute pala nung sa waterplant. ang cute ng tubig. wala lang.

tapos may nanttrip sa chem teacher namin, si Sir Montales. tawag ng tawag sa kanya twing umaga, hinahanap si Jean. kung sinuman si Jean. as in tumatawag tas itatanong.. "nasaan si jean? alam kong andiyan si Jean! ilabas nyo si jean!" tapos nung tumawag ulit, ako yung pinakausap ni Sir.

Ako: Heller? (hindi ko alam kung bakit ako nagheller. bigla na lang eh. dapat hello sasabihin ko. PROMISE.)
Kyla, Dyane, etc: Yaaaak! ang bading mo prana!
Caller na naghahanap kay Jean: Sino to?
Prana: Hindi po si Jean.
*binaba ni caller*
nung asa eco-tour kami, napagtripan namin si sir. tinext namin sya gamit phone ko. sabi ko..
"hi. si Jean po ito. may nangungulit po ba sa inyo?"
sabi naman ni sir..
"oo. sino ba yun? lai kang hinahanap sa akin!"
sabi ko:
"hahaha! sir, joke lang!"

pero sana talaga kasama namin yung baboy... oo nga pala, may bago na akong crush. at yun ay si BABOY. woohooo. pero hanggang silay lang. wala akong planong maging close kami. baka magkadevelopan. hindi yun pwede. HINDE. mag-aaral muna ako! tsaka na kami maging close, pag pwede na kami ikasal. xP

Thursday:
ay boring. walang kwenta. except si baboy ay nagfieldtrip. tae. sana talaga sila yung kasabay namin. tsaka, KASALI AKO SA CHEERING. jusme. kung alam nyo lang kung gaano katigas ang katawan ko. hindi ako flexible! at hindi ako ginawa ng Diyos para mag-rotate, magkick at magstretch!
tapos eto pa.. ako yung model namin sa Art! oh hindeee. ok lang sana, kaso yung mga models ng ibang section, mag-iimport pa sila from other year levels. homaysyakkk. i feel so incompetent. ano naman ang laban ko sa ganda ng mga yun?! ay, badiiiing. magpapapayat muna ako. magpaparetoke pa. jusko. hindi na ako kakain ng isang linggo.

Friday:
ngayon. wala lang, recollection. ano ba ginagawa sa recollection? umiiyak. edi umiyak kami. ^_^ promise talaga, hindi na ako magmumura. mag-aaral ako ng mabuti. hindi ako madidistract kahit na super gwapo ni Baboy. yan ang promises ko na galing sa recollection.

tapos, kanina... umiral ang pagkasama ko. hayyy. ewan. hindi ko talaga mapigilan. ayoko talaga syang kasama. alam kong ang sama ko, pero.... ewan. sana makahanap sya ng girl na hindi kasing sama ko. ^_^

get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! 10:59 PM

nakakatuwa naman ang bio.. pero dahil sa bio hindi na ako naniniwala sa church namin. I believe in God, but not in the way that my church sees him, hehe. kasi naman, andyan na nga yung ebidensya ng evolution, di pa nila matanggap?! parang naaalala ko yung to kill a mockingbird. andyan na nga lahat ng evidence sa harap nila, di pa matanggap. kahit na magsayaw ng otso-otso habang lumilipad pa yung ebidensya, di nila papansinin. haynako. ewan ko sa kanila.

lovelife. eto ulet. hahaha. promise ko na talaga sa sarili ko, hanggang silay na lang sa cuteness. masmasayang sumilay sa cuteness kesa magfocus sa isang crush lang. delikado pa, baka ma-obsess ako. jusme. pabigat talaga sa buhay, oo. may pagawagawa pa ako ng tula na nalalaman. NAKAKAHIYA.

School. oh yess. natutuwa ako. wala na akong bagsak. nakabawi na ako sa algeb, 22 over 27 ako. yung una ko kasing long test, superdupermega bagsak. ako ata ang lowest sa test na yun. ah ewan. basta ang alam ko umiiral nanaman ang pagka-grade conscious ko. tama ba ito??? aba, ewan ko kung tama. pero ang alam ko, masarap maging GC. lalo na pag nararamdaman mo yung bunga ng pagkaGC mo. yung mga matataas na test, and stuff. grabe. tsaka kapag GC ka, wala ka na talagang oras para madistract. ang saraaaap ng feeling. lahat ng nabagsak ko, nabawi ko na. ang pinoy, algeb at PE. yeheyyy. eto nanaman, PERIO. kailangang magpakagrade conscious nanaman. GO PRANA!

----------------------
may plano ako sa August 9. as in siryoso ito ha. papasok ako sa Quesci. naka-uniform and everything. makikiquiz, makikitest, etc. oh yesss. sana nga lang payagan ako ng parents ko. PAKAPALAN NA ITO! hayyy. kung may uniform lang talaga ako ng MC, papasok rin ako sa MC sa august 10. super miss ko na rin sila.
ang mga tao sa MC...
una kong naging kaibigan..
una kong naging kabarkada..
una kong naging kaiyakan..
una kong katelebabad..
una kong kasama sa mga kalokohan..
kamusta na kaya sila? naaalala pa kaya nila ako? hayyy, ewan.
dati may paiyak-iyak pa ako nung lilipat ako ng Quesci. nung grade 6 ako, binagsak ko ang test sa pisay para lang makapag-grade 7. oh well, napunta rin ng Quesci nung grade 7..
sa bagay. mahal ko rin mga kaibigan ko sa Quesci. marami akong natutunan sa kanila. nabawasan ang kaartehan ko nung napunta ako sa Quesci. marami akong napuntahang lugar na hindi ko inakalang mapupuntahan ko. ang sarap rin ng buhay ko dun. sa Quesci, natuto rin akong mag-aral.
Tinadhana nga siguro akong mapunta sa Pisay..
Pero sana hindi ako tinadhanang malimutan ng mga taong dumaan sa buhay ko...
Mga kaibigan na naiwan... mga kaibigang nagbigay ng mga ala-alang masarap balikan.
TAMA NA YAN. PERIO NA. KAILANGAN KO NA MAG-ARAL.
tsaka na ako magdadrama. xP

get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! 4:02 PM

hayyy. ewan ko, pero nasasaktan ako. *uyyyy. may pakiramdam pala si Prana. magulat kayo!!!*

may kachat ako ngayon, tapos yung pinaguusapan namin akala ko hindi na ako masasaktan, akala ko ok na sakin ang lahat.. aynako. sa tagal ba naman naming hindi nag-usap, nasasaktan parin ako? haha. hayy, ewan ko talaga. tama nga siguro desisyon kong wag muna ma-involve sa kahit sinong tao. mahirap nang masaktan. ^_^ ganito nga yung conversation namin eh..

Prana.ü : yak, anlabo tlga. haha
Guy : nyeh
siya: naiinis ka pa ata eh
Prana.ü : haha. nde. pramisss.
Guy : pramiss yan ah???
Prana.ü : pumasa man ako sa algeb.
Guy : nyahahaha
Guy : nys joke!
Guy : hahaha!
Prana.ü : hahaha. siryoso yoooon.
Prana.ü : haha. babagsak ako sa algeb eh.

jusko. plasticcc akooo. acshuli, di na ako galit sa kanya.. mahirap nga lang kalimutan ang lahat ng ganun-ganun lang. hindi ako galit pero nasasaktan. hehehe. ok lang sakin masaktan, wala na akong magagawa eh. walang magagawa ang galit.. diba? oh yesss. go prana. naiiyak na si Prana pero hindi sya iiyaaaaak!!! matatag akooo!!!

para nga pala sa hindi pa nakahahalata, ako yung girl sa last post ko. hahaha. oh yesss. pero promise, wala na akong iiyakan kundi algebra. walang kwentang iyakan ang mga lalake. haha. *no offense kung lalake ka*

get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! 8:02 PM

Konsensya? Meron ba ako nun? parang wala... kasi hindi ako nakokonsensya sa ginawa ko. ah ewan. Ayoko na pag-usapan yan.

Ngayon napagisip isip ko na talagang pabigat lang ang love life sa ganitong age. ang dami-dami kong nakikitang umiiyak, nagaaway at nagkakasakitan dahil dyan.

eto... story ng isang tao na kawawa.. sobra..:
may isang girl at isang guy. tapos may lalake at babae. (magkakaiba yan ha.) ngayon, si girl kagagaling lang sa break-up, tulad ni lalake. si lalake niligawan si girl. akala ni girl, lalake was someone different, na hindi sya sasaktan. medyo matagal na hindi nakapag-usap si girl at lalake dahil grounded si lalake, may ginawa kasing kabalastugan. tinatanong pa ng kaibigan ni girl si lalake kung siryoso si lalake, sabi ni lalake, oo... at sorry daw kung hindi nya nakakausap si girl. matagal ulit bago sila nakapag-usap, ang alam ni girl nililigawan parin sya ni lalake... laking gulat na lang nya ng biglang nagtext sa kanya si lalake, nagkabalikan na daw sila ni babae... yung ex nya. *WAPAK* si girl pala, ginawa lang nyang panakip-butas, pampalipas oras.

habang nililigawan ni lalake si girl, may isa pang tao na nagkakagusto kay girl... yun si guy. si guy, medyo pangit ang reputasyon, player kasi. gusto nyang ligawan si girl, kaso si girl nga siryoso kay lalake.. nung nasaktan sya ni lalake, naisip nya na siguro sign yun na dapat si guy nga ang para sa kanya. sinabi ni girl kay guy na bahala sya kung gusto nyang manligaw. edi si guy naman, sabi nya gusto daw nya. nagsisiryoso nanaman sana si girl, eh kaso nagulat nanaman sya, hindi pala siryoso si guy. yung tipong nililigawan lang nya si girl para lang masabi sa buong mundo na may girlfriend sya. tapos, nagpapahanap na sa isa nyang kaibigan ng back-up, in case nireject sya ni girl. eventually, inamin rin ni guy kay girl na lokohan lang yung panliligaw... ayayayyy.

kawawa naman si girl noh? laging nagugulat... isa lang yan sa mga malulungkot na storya ng pag-ibig.. learn from other people's mistakes...

kaya nga ngayon ang crush ko na lang..... si sir montales. hahaha.
sino si sir montales? si sir montales yung chem teacher namin, na mabilog. tapos maliit. tapos medyo feminine kumilos. (pero may asawa sya ha.) nakakatuwa sya, tapos colorblind sya! wahaha. ang cute diba?? at least hindi ako masasaktan kapag si sir montales yung crush ko, kasi hindi naman ako umaasa. ang kadiri naman kung umasa ako. hahaha.

----------------
naghouse hunting kami kahapon... ang saya! nagpunta kami ng rodriguez.. basta yung super layo na lugar. nakaabot pa nga kami sa Sierra Madre mountain range eh. tapos, pinagpipilitan ni mama na malapit lang.
papa: sige, i-time natin from philcoa.
prana: ang bagaaaal... 40 minutes na, sabi mo 25 minutes lang....
mama: eh kasi naman! tignan mo yung nasa harap natin, dalawang truck, tapos sa harap nila may motorcycle, tapos sa harap ng motorcycle, may pedicab pa! panong hindi babagal?!
hahaha.
sa rodriguez, nakakatakot. parang masyadong parepareho yung mga bahay. tapos pastel colors pa. parang yung mga bahay sa Edward Scissorhands. pwedeng pwedeng gawing setting para sa isang horror movie... o kaya yung mga bahay pwedeng pumapel na bahay nung witch sa hansel and gretel. kasi ang bright talaga nung mga kulay! grabehan. parang candy. tsaka ayoko dun, sinisira nila yung mountains para gumawa ng subdivision! ugh, bahala sila. wala akong pake kung may golf course pa sila.
tapos, dumaan rin kami sa sanville, NAKNAMPEKA. saksakan ng dami ang for sale na bahay!!! HEAVEN! hindi namin nakaya yun. SOBRAAA. may nahanap na kaming bahay, marami. hindi pa nga lang nakakapili. haha! tapos may bahay na 5M, binebenta nila kasi pupunta daw sila ng US. hulaan nyo kung ano yung kasama sa package ng 5M. mamamatay kayo. as in isasama nila yung appliances... microwave, fridge, water pump, shelves, tables, chairs, LAHAT! adik, diba?! grabe.
ay oo nga pala, joke lang yung kay sir montales ha... ang crush ko... pabo. pramis. ^_^ as in yung quack quack na pabo. hehe.

get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! get your own glitter siggies from DollieCrave.com! 5:38 PM